Nagkaroon ngayon ng isang makabuluhan na pag-uusap ang dalawang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP.
Ilan lamang sa mga programa na napag-usapan ay ang ‘Piso ko, Bahay mo’, programang pabahay sa mga pamilyang walang tirahan dahil sa hirap na rin ng buhay.
Isa pa sa mga programang pinag-usapan ang ‘Lingkod Agapay Maralita (LAM) Program’ na naglalayong hikayatin ang mga pamilyang kabilang sa sektor ng urban poor sa iba’t ibang paraan ng sa pamamagitan ng pag-iipon.
Ang pagtatayo ng mga Satellite Office sa probinsya ay isa sa mga mungkahi ng PCUP para mapadali at mapabilis ang pagsasagawa ng mga proyekto at mga polisiya na makatutulong sa urban poor.
Kasama rin sa tinalakay ang ‘PCUP Goodwill Ambassadors Program (GAP)’ o boluntaryong paglalaan ng serbisyo ng mga indibidwal mula sa business sector, academe, at non-government sectors upang mas lalong makatutulong sa mga kababayan nating hirap sa buhay. |ifmnews
Facebook Comments