MGA PROGRAMA SA EDUKASYON, PINALALAKAS PA SA DAGUPAN CITY

Kabilang ang sektor ng edukasyon sa tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa pamamagitan ng ilulunsad na bagong programa alinsunod sa pagpapalawig pa sa naturang sektor.

Ilan sa mga proyektong nakapaloob dito ang pagpopondo at pagbubukas ng DCNHS Model Library na layong mas mapabuti pa ang mga school libraries.

Palalakasin din ang Alternative Learning System o ALS Skills at ang Early Childhood Care and Development na nakaangkla sa Early Learning Framework and Curriculum Guide.

Magpapamahagi rin ng mga science materials at kagamitan sa mga piling eskwelahan sa lungsod.

Patuloy pa ang paghahanda at paglalatag ng iba pang mga aktibidad at programa sa pagtataguyod ng sektor ng edukasyon sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments