Pinapalawig pa ang mga programang nakalaan para sa mga Solo Parents sa Dagupan City bilang suporta ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Matatandaan na nauna nang nakatanggap ang unang batch ng nasa tatlong libong piso sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations na pinangunahan ni Sen. Marcos ng National Government.
Kabilang sa mga programang inihahanda para sa mga ito ang iminungkahing budget kabilang sa 2024 kung saan mayroong laang tulong pinansyal para sa isang libong solo parents buwan-buwan.
Prayoridad din ang mga ito sa mga programang nakaayon sa tulong pangkabuhayan o mga Livelihood programs katuwang ang mga national agencies na may layong masiguro ang pagkakaroon ng financial source para sa kanilang binubuhay na mga anak.
Kwalipikadong benepisyaryo rin ang mga ito ng libreng medical check up at laboratories tulad ng X-Ray, City Scan at iba pa.
Samantala, bukas naman umano ang opisina ng Solo Parents para sa mga nais na magparehistro at mapabilang sa mga benefits na laan para sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments