Mga programang magbibigay ng maraming trabaho, dapat unahin ng pamahalaan ayon sa isang senador

Umapela si Senator Imee Marcos na unahin ang mga programa at proyektong magbibigay ng mas maraming trabaho sa ating mga kababayan.

Ito ang pahayag ng senadora kasunod na rin ng naitalang pagbaba ng unemployment rate sa bansa na nasa 4.5 percent nitong Oktubre mula sa 5 percent noong Setyembre, batay na rin sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay Marcos, kahit pa bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa ay marami pang dapat na gawin ang pamahalaan para sa mga jobless.


Una sa iminungkahi ni Marcos na gawin ng gobyerno ay iprayoridad ang konstruksyon at agrikultura na tiyak na makapagbibigay ng maraming trabaho sa mga kababayan.

Pinabibigyan din ng senadora ng alternatibong pagkakakitaan ang mga manggagawa sa turismo gayundin ng komprehensibo at pangmatagalang programa sa naturang industriya.

Panghuli ay pinatututukan din ni Marcos sa pamahalaan ang digital at creative economy na makakalikha at makapagbibigay rin ng trabaho at iba pang madaling pagkakakitaan para sa ating mga kababayan.

Facebook Comments