
Welcome sa Malacañang ang pagtaas ng labor force participation rate o ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong trabaho nitong Mayo.
Kasunod ito ng datos sa lumabas sa pinakahuling labor force survey, kung saan tumaas sa 65.8% ang labor force participation rate sa bansa ngayong buwan na mas mataas sa 64.8% noong May 2024.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, katumbas ito ng karagdagang 1.4 million Pilipino na dumagdag sa labor force ng bansa, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nangangahulugan aniya ito ng pagsisikap ng administrasyon para makapagbukas ng mas maraming oportunidad sa mga Pilipino, tulad ng mga inilulunsad na job fairs.
Sa kabila nito, tiniyak ni Castro na tuloy-tuloy pa rin ang pagsisikap ng gobyerno, at lalo pang paiigtingin ang programa at proyekto na magbibigay ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.









