Programang pangkalusugan, pang-edukasyon at pangkabuhayan para sa ating mga mamamayang Pilipino.
Ito ang pangunahing isusulong at tututukan ng “HELP Pilipinas PartyList” sakaling manalo ngayong May 9 election.
Sa panayam ng RMN Manila kay HELP Pilipinas Partylist first nominee Dr. Mildred Vitangcol, dahil sa pandemya, nakita nila ang sitwasyon ng marami nating kababayan.
Partikular aniya sa kakulangan sa maayos na pasilidad sa healthcare system, kagamitan sa pag-aaral sa ilalim ng blended learning at mga nawalan ng kabuhayan
Bilang incoming rotary governor, sinabi ni Vitangcol na ibat-ibang grupo na ang nagpahayag ng kanilang suporta sa mga isinusulong na programa ng HELP Pilipinas Partylist.
Facebook Comments