Mga programang papayagan sa face-to-face classes, posibleng palawigin pa – CHED

Nakahanda si Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero “Popoy” de Vera na dumulog kay Pangulong Rodrigo Duterte para palawigin pa ang mga programang pinapayagan na ang face-to-face classes.

Ito ay kung sakaling maging matagumpay ang ginagawang limited face-to-face classes ngayon sa ilang mga institusyon na may kaugnayan sa medical field.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni De Vera na sa ngayon ay marami pa ring nag-a-apply para payagan ang face-to-face sa kanilang mga unibersidad pero hindi pa ito nainspeksyon para matiyak na masusunod nang maayos ang health protocols.


Sa kasalukuyan, nasa 64 na pamantasan na ang pinapayagan ang face-to-face classes matapos payagan ng CHED.

Facebook Comments