Mga programang pautang para sa mga miyembro ng Pag-IBIG, mas dadami pa ngayong taon

Asahang mas dadami pa ang loan facility program ng Pag-IBIG Fund ngayong taon.

Una na dito ang quick loan program na layong padaliin ang access ng mga miyembro nito sa emergency loan, sa mga susunod na buwan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Pag-IBIG Deputy Chief Executive Officer Alexander Aguilar, mas mapabibilis nito ang access sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund sa short term loan.


Sa pamamagitan ng mobile phones, maaari nang makahiram ng P5,000, P10,000, o P15,000 ang mga miyembro, at makalipas ang isang oras, maipapadala na ito sa kanilang cash cards o GCash.

Dagdag pa ni Aguilar, pinag-aaralan na rin nila ang paggulong ng health at education loan program, kung saan magagamit ng mga miyembro ang kanilang ipon pambayad ng tuition fee o emergency medical needs.

Gayunpaman, tiniyak ng Pag-IBIG na mayroong safeguards ang mga programang ito upang makaiwas sa scam.

Facebook Comments