Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na iprayoridad din ang paglalatag at pagpapatupad ng mga programa na tumutugon sa mga kalamidad.
Giit ni Hontiveros, kailangang itong gawin ng pamahalan dahil taun taong hinahagupit ang Pilipinas ng mga bagyo, matinding pagbaha at iba pang kalamidad.
Diin ni Hontiveros, dapat ay mayroon na tayong umiiral na protocols, sistema at mga aktibidad para mapangalagaan ang kalikasan na magre-resulta ng pangangalaga sa ating buhay.
Kaugnay nito ay sang-ayon din si Hontiveros na maging pangunahing bahagi ng 2022 electoral agenda kung paano tutugon ang mga kandidato sa climate change.
Sabi ni Hontiveros, hiling ng mamamayan, maging sa buong mundo na gamitin ng mga nasa posisyon ang kanilang kapangyarihan para tugunan ang mga isyu sa kalikasan na nakakaapekto sa ating pang araw araw na buhay.
Paliwinag ni Hontiveros, ang Pilipinas ay pangunahing apektado ng climate change kaya kasama sa hinahanap ng taumbayan sa mga kandidato ang kanilang mga hakbang at estratehiya laban sa epekto ng climate change.