
Kinalampag ng mga militante at progresibong grupo ang Department of Public Works and Highways Engineering Office sa Bacolod City at nagdemanda na ipalabas at ipakita sa publiko ang listahan ng mga flood control project sa lungsod.
Ayon kay Noli Rosales ng Kilusang Mayo Uno-Negros at Perlita Ante ng Urban Poor, nagdedemanda sila sa district office na bigyan sila ng listahan at ituro ang 40 flood control projects sa lungsod sa ilalim ng DPWH District Office.
Binanatan din ng mga raliyista si dating kongresman at ngayong Mayor Greg Gasataya na walang isinagawang imbestigasyon patungkol sa isyu.
Tinawag din ng grupo ang DPWH na corrupt agency.
Facebook Comments









