Nagsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo, sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Cubao LRT Station para ipanawagan ang dagdag na sahod ng mga manggagawa.
Sinabayan nila ang kilos-protesta ng pangangalap ng pirma o signature campaign na humihiling kay Pangulong Bongbong Marcos na aksyunan ang hirit na umento sa sahod.
Giit ng grupo, panahon na para maibigay ang wage increase sa gitna ng naitalang record-high o pinakamataas na inflation rate noong October 2022.
Anila, hirap na hirap na ang mga manggagawa sa patuloy na pagsirit ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Facebook Comments