Mga propaganda at paninira, walang puwang sa Bagong Pilipinas ayon kay Pangulong Marcos

Isang linggo matapos ilunsad ang “Bagong Pilipinas” governance branding, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na walang puwang sa administrasyong Marcos ang mga naghahatakan pababa at paninira laban sa pamahalaan.

Ito ay sa gitna nang patuloy na hidwaan sa pagitan ng mga Marcos at ng mga Duterte.

Sa latest vlog ni Pangulong Marcos, sinabi nitong dapat tigilan na ang mga propaganda at hatakan pababa at sa halip ay unahin ang kapakanan ng bansa at mamamayan.


Walang pinangalanan ang pangulo sa naturang video pero iginiit nitong sa ilalim ng Bagong Pilipinas, hindi na pwede ang mga tamad at maton.

Sinabi pa ng pangulo na ang bagong Pilipinas ay imbitasyon sa bawat Pilipino na maging kabahagi ng pagbabago at pagpapahusay sa bansa.

Facebook Comments