Papayagan pansamantala ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga provincial bus na dumaan sa EDSA mula Marso 23 hanggang Abril 2.
Inaasahan kasi ng MMDA ang pagdagsa ng mga biyahero ngayong nalalapit na Semana Santa.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, makakadaan sa kahabaan ng EDSA ang provincial buses mula alas-diyes ng gabi hanggang alas-singko ng madaling umaga.
Paliwanag ni Artes na ang mga provincial bus mula sa North Luzon ay hanggang sa terminal lang sa Cubao, Quezon City.
Habang, ang mga provincial bus naman galing South Luzon ay hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX at terminal sa Pasay City.
Una nang inihayag ng MMDA na magde-deploy ito ng 2,274 tauhan sa mga pangunahing kalsada, transportation hubs, at iba pang pangunahing lugar sa Metro Manila upang tiyakin ang kaligtasan at kaginhawaan ng publiko sa paggunita ng Semana Santa.