Pinapayagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na makadaan sa EDSA ng dalawang linggo ang mga provincial bus.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, maaaring makadaan sa EDSA ang mga provincial bus mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Aniya, ang hakbang na ito ay bahagi ng unti-unting paglipat sa “new normal” lalo na inalis na ang travel restrictions sa halos lahat ng bahagi ng bansa.
Paliwanag ni Artes, ang pagkapaso ng Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution 101 noong Marso 24 ang naging daan para payagan ang lahat ng mga provincial bus na makadaan sa EDSA.
Facebook Comments