Mga provincial election supervisor, pinagpapaliwanag ng COMELEC hinggil sa missing COCs

Pinagpapaliwanag ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga provincial election supervisor (PES) ng Pampanga, Sultan Kudarat, Surigao del Sur, Sulu at Cagayan, Mandaluyong at Manila.

Ito ay matapos madiskubreng walang laman ang ballot boxes na isinumite sa Kongreso na tumayong National Board of Canvassers (NBOC).

Sa isang urgent memorandum, binigyan ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan ng 48 na oaras ang mga PES para magpaliwanag.


Nais malaman ni Pangarungan kung bakit hindi sila dapat patawan ng disciplinary action.

Sinabi naman ni COMELEC Deputy Executive Director for Administration Helen Aguila Flores na ang paliwanag sa kanila ng mga PES ay hindi sinasadya ang pagkakamali na dala na rin ng pagod at puyat.

Matatandaang sa canvassing ng Joint Congress para sa presidente at bise presidente, wala ang Certificate of Canvass (COC) sa loob ng selyadong ballot box mula sa mga nasabing lalawigan.

Facebook Comments