MGA PROYEKTO AT ISYU SA BAYAMBANG, ISA ISANG TINALAKAY SA MANAGEMENT COMMITTEE MEETING

Isa-isang pinagusapan at tinalakay ang ibat ibang proyekto at isyu sa bayan ng Bayambang sa isinagawang Management Committee meeting ng mga ito kamakailan.
Pinulong ng isang Local Chief Executive ang lahat ng department, unit head, at mga consultant at tinalakay ang lahat ng pinakamalalaking proyekto at isyu sa LGU.
Isa sa mga agenda na tinalakay ay ang Public Cemetery feasibility study, LGU Ville, Mangabul, Bayambang Central School case, at Magsaysay lots case.

Tinalakay rin ang mga proyektong septage project, DA-WB-PRDP-LGU construction, Slaughterhouse, at 98 warehouses project sa bayan.
Pinagusapan rin ang tungkol sa Department of Agriculture at DPWH hrant applications sa bayan, pagdemolisyon sa Yellow Building, review ng ambulance usage policy, mga asset at inventory kasama ang mga milyun milyong piso na donasyon ng pamilya Quiambao bukod pa sa mga internal matters ng naturang LGU.
Ang pagpupulong na naganap ay pinangunahan ng alkalde ng bayan at Special Assistant to the Mayor at inorganisa ng MPDC at Mayor’s Office. |ifmnews
Facebook Comments