Ipinagdriwang ngayong araw ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) ang kanilang ika-45 anibersaryo.
Kaugnay, ipinagmalaki ng PHilMech ang kanilang mga nagawang proyekto at programa sa nakalipas na taon para na rin sa kapakanan ng mga magsasaka.
Sa State of PHilMech Address ni Director Dioniso Alvindia, inisa-isa nito ang lahat ng mga protekto na kanilang inilatag tulad ma lamang ng mga makabagong kagamitan at karagdagang pasilidad para sa mga magsasaka.
Ito’y para mapagaan ang kanilang trabaho upang maging mas produktibo at mapadami ang kanialng mga produkto.
Ibinahagi rin ni Dir. Alvindia ang kanilang makabagong teknolohiya para mapagaan ang trabaho ng magsasaka gayundin ang mga paraan para maresolba ang mga problema sa mga halaman at iba pang produktong agrikultura.
Bukod dito, pinapasalamatan ni Dir. Alvindia ang mga tauhan ng PHilMech dahil sa ginagawa nilang pagbabahagi ng mga makabagong paraan sa mga magsasaka para mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan at mabawasan ang oras ng kanilang trabaho.
Umaasa si Dir. Alvindia na sa darating na panahon magiging export hub na ang Pilipinas ng mga agricultural technologies hindi lamang sa Southeast Asia maging sa buong mundo.