Mga proyekto ng build-build-build, hindi magagamit sa 2019 elections – ayon sa DPWH

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways na hindi magagamit o mahahaluan ng politika ang mga proyektong nasa ilalim ng Build-build-build program ng Pamahalaan.

Sa briefing sa MalacaƱang ni Anna Mae Lamentillo, Chairman ng Build-Build-Build ay walang anomang proyekto ang magagamit sa pulitika dahil ang mga ito ay nationwide initiative at nakabase sa mga master plan ng Pamahalaan.

Sinabi nito na maraming mga infrastructure projects ang matagal nang nasimulan at nagpapatuloy parin ang kunstruksyon tulad ng Mindanao Avenue Extention.


Binigyang diin ni Lamentillo na walang halong pulitika ang BBB dahil dumaan ito sa pag-aaral ng ibat-ibang ahensiya ng Pamahalaan at mga tunay na kailangan para mas maging mabilis ang pagunlad ng bansa.

Facebook Comments