Naniniwala ang pamunuan ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na karamihan ng mga proyekto ng ahensiya na Build Build Build Program ay matatapos sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar walang katotohanan ang mga ulat na mabilis lamang ang mga nagawang proyekto ay dahil sa mga padulas dahil mahigpit ang tagubilin ng Pangulo na walang korapsyon sa gobyerno.
Paliwanag ng kalihim na dati rati ay manu-mano ang monitoring pero sa ngayon aniya ay mayroon ng mga makabagong pamamaraan upang madaling malaman kung sinu-sino ang gumagawa ng mga anumalya sa pamahalaan.
Giit ni Villar na ikakansela agad nila ang proyekto kapag hindi nakahabol ng kanilang quota upang maiwasan na makulayan o mahaluan ng kurapsyon sa ahensiya.