Nirepaso sa ginanap na session sa Mayor’s Conference Room ang mga bagong proyekto ng DSWD na panukalang Sustainable Livelihood Projects laan para sa mga 4Ps sa Bayambang.
Ang proposed Sustainable Livelihood Projects na ito ay nakatakdang iimplementa ng Sustainable Livelihood Program–Technical Working Group (SLP-TWG) ng LGU at DSWD kung kaya’t muli itong tinignan para i-finalize.
Nanguna sa session na ito si DSWD-ROI Implementing Project Development Officer Gemalyn Labajeros kung saan ang pagrerepaso nila ng mga proposed projects ay para sa layuning maging mas maayos ang proseso ng pagsasakatuparan ng mga project operationalization ng mga livelihood projects ng kanilang ahensya para sa mga 4Ps.
Mula sa inisyal na labing apat na asosasyon, labing dalawang SLP Associations ang maghahati-hati sa budget na PhP3,750,000 para sa rice retailing, agricultural supply, at grocery store livelihood packages.
Sakop naman ng proyekto sa project cycle ang mga Barangay ng Malioer, Ambayat I, Ambayat II, Carungay, Tatarac, Apalen, Paragos, San Gabriel II, at Pantol. |ifmnews
Facebook Comments