Kabilang sa mga proyektong ito ang slope protection upang maprotektahan ang mga sinasakang lupa sa Barangay Mapalad at Barangay Bautista na matatagpuan malapit sa Ilog Cagayan sa naturang bayan.
Ginawa ito upang maiwasan ang pagtibag ng mga lupang sinasaka na nasa gilid ng mga ilog sa nabanggit na dalawang na mga barangay.
Maliban sa naturang proyekto ay binanggit din ang tulong ng Department of Agriculture na solar dryer sa Barangay Bautista na laan naman sa pagpapatuyo ng mga magsasaka ng kanilang mais at palay.
Proyektong Farm to Market Road, naman sa Barangay Virgonesa na may haba na 1.75 kilometro at sinimulan narin ang kaparehong proyekto sa mga Barangay ng Sinaoangan Sur, Sinaoangan Norte at Palacian na may kabuuang pondo na 10 milyong piso.
Isusunod naman na sesemintuhin ang daan patungo sa Barangay Salay na laking tulong para sa mga mamamayan dahil mas mapapabilis ang pag bibiyahe sa kanilang mga produkto, at sa panahon na mayroong mga emergency cases na kailangan dalhin sa pagamutan.
Samantala, kasalukuyang ginagawa ang bagong pampamahalaang gusali na may tatlong palapag na nagkakahalaga ng 40 million pesos na inaasahang matatapos sa madaling panahon.