Mga proyekto ng lokal na pamahalaan, hindi dapat hinahaluan ng pulitika ayon kay PBBM

Hindi na dapat hinahaluan ng pulitika ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.

Ito ang iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga alkalde ng bansa sa 2024 General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines (LMP).

Ayon kay Pangulong Marcos, dapat isipin ng mga local chief executives na kahit wala silang makuhang credit sa proyekto, ang mahalaga ay maging maayos ang kalagayan ng kanilang nasasakupan.


Mahalaga rin aniyang mapakinggan ng mga ito ang kanilang nasasakupan dahil sila ang unang nakakaalam sa sitwasyon ng kanilang lugar.

Hinimok din ng Pangulo ang LMP na magpatupad ng mga programang tiyak na aabot sa mga susunod na mamumuno.

Samantala, pinagtibay naman ni Pangulong Marcos ang layuning pondohan ang mga inisyatiba ng LMP para sa paghahatid ng social services at pagtugon sa climate change.

Facebook Comments