Mga proyekto ng Maynilad at Manila Water, apektado ng pagbawi sa Extension ng Concession Agreement

Iginiit ng Maynilad at Manila Water na apektado na ang kanilang mga proyekto sa pagbawi ng gobyerno sa extension ng Water Concession Agreement.

Ayon sa Maynilad, bagamat kaya nilang pondohan ang mga kasalukuyang proyekto, hindi sila makakapagsimula ng mga bagong proyekto kung hindi mapapalawig ang kanilang kontrata.

Sinuspinde anila ng ilang Bangko ang pautang sa Maynilad para sa kanilang Capital Expenditures.


Para sa Manila Water, kaya pa naman nilang ituloy ang kanilang operasyon habang nakikipag-usap sila sa MWSS.

Umaasa sila na magkaroon ng maagang resolusyon sa isyu para maipagpatuloy na nila ang mga naaprubahang proyekto na nangangailangan ng pondo.

Una nang sinabi ng Malacañang na hindi interesadong makipag-usap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Water Concessionaire at makipagnegosasyon na lamang sa MWSS.

Facebook Comments