Nagpapatuloy ang mga programa at operasyon ng pamahalaan, na tutugon sa mga nararanasang pagbaha ngayong tag-ulan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artez, na ang mga pumping stations ng pamahalaan ay nasa 100% capacity, lalo’t una na rin nilang kinundisyon ang mga ito.
Mayroon rin aniya silang sapat na buffer stock ng krudo, sakabila ng oil price hike, upang matiyak na patuloy ang magiging takbo ng pumping stations.
Habang nariyan rin aniya ang mga proyekto ng pinondohan ng World Bank, para sa pagtatayo ng mga bagong pumping stations, habang mayroong 10 iba pa ang sumasailalim sa rehabilitasyon.
Ayon sa opisyal, partikular nilang tinututukan ang CAMANAVA area, lalo’t mababa ang lugar, at karaniwang nakakaranas ng pagbaha, tuwing umuulan.