Mga proyekto ni dating First Lady Imelda Marcos, malaki ang naging kontribusyon sa bansa —PBBM

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pangmatagalang kontribusyon sa national development ng mga naging proyekto ni dating First Lady Imelda Marcos.

Sa kaniyang lingguhang vlog, binigyan ng tribute ng pangulo ang dating First Lady na nagdiwang ng kaarawan nitong July 2.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga specialty hospitals at arts institutions na itinatag ng kanyang ina ay dahil sa kanyang malasakit sa mga Pilipino at pagpapahalaga sa kanilang mga talento.


Tulad na lamang ng pagpapatayo nito ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at Folk Arts Theater, at mga specialty hospitals na National Kidney Center, Children’s Hospital, at Heart Center.

Patuloy aniyang nakikinabang ang milyon-milyon at maraming henerasyon ng mga Pilipino sa mga proyekto ng kaniyang ina, kabilang na ang mga naapektuhan ng pandemya.

Facebook Comments