Pinauunlad ang hanay ng agrikultura sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga bayan at lungsod sa ikalawang distrito ng lalawigan na pinamumunuan ng tanggapan ni Cong. Cojuangco katuwang ang iba’t ibang mga kongresista ng Hilagang Luzon at mga kinatawan ng National Irrigation Administration (NIA).
Tinalakay ang mga proyektong nais isagawa na naglalayong mapaunlad pa ang agriculture sector sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangangailangan ng mga magsasaka sa lalawigan.
Ilan lamang ang mga proyektong irrigation canal lining para sa mga sakahan, pagpapaayos ng dam sa Pacalat River, at pagbuo ng slope protection design para sa mga irigasyon sa mga sakahan.
Tiniyak ng tanggapan ni Cojuangco na maaaksyunan ang mga inilahad na mga proyekto sa mithiing matulungan ang mga magsasaka at mapaunlad ang agrikultura ng lalawigan. |ifmnews
Facebook Comments