MANILA – Handa na ang mga proyekto ng Administrasyong Duterte na magpapaluwag sa daloy ng trapiko at magpapalago sa ekonomiya ng bansa.Ayon kay National Economic Development Authority Secretary Ernesto Pernia, siyam na malalaking proyekto na ang nakakasa at pito pa ang sinusuri ng NEDA Board.Kabilang aniya sa mga sinasala ng NEDA Board ngayon ay ang agricultural project sa Cordillera at Mindanao, south rail project mula Manila hanggang Sorsogon at road widening mula Tutuban, Maynila hanggang Valenzuela.Kasama sa mga proyektong gustong masimulan sa susunod na taon ay ang fly over na magdudugtong sa Ortigas at Bonifacio Global city kung saan 100,000 sasakyan ang mawawala sa EDSA dahil dito.Ang NLEX-SLEX connector, na kapag natapos na ay magiging 30 minutes na lang ang biyahe mula Balintawak hanggang Alabang.Sabi ni Bases Conversion and Develpoment Authority (BCDA) Chief Vince Dizon, kaya ng administrasyon na matapos ang mga proyektong ito sa loob ng tatlo hanggang limang taon kung mabibigyan si pangulong duterte ng emergency powers.Sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa Kongreso ang hinihinging emergency powers ng administrasyon.Kaya para makatiyak na walang magaganap na katiwalian sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade na magkakaroon ng freedom of information portal.Sa pamamagitan nito aniya ay makikita ang mga detalye tungkol sa mga proyekto.
Mga Proyekto Para Sa Pagpapaluwag Ng Trapiko At Pagpapaganda Ng Ekonomiya Ng Bansa, Inihahanda Na Ng Administrasyong Dut
Facebook Comments