Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na ibibida ni Pangulong Rodrigo Dutert sa mga negosyante sa Cambodia ang mga proyekto ng pamahalaan na inilabas sa Dutertenomics.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, build-build-build ang magiging pangunahing pang engganyo ni Pangulong Duterte sa mga negosyante na dadalo sa World Economic Forum na kanyang dadaluhan ngayong Linggo na ito sa Cambodia.
Nabatid na ilan lamang sa pryoyekto sa Dutertenomic ay ang mga road projects na magdudugtong sa mga lalawigan sa Luzon at mga airport projects.
Matatandaan na bukod sa Cambodia ay pupunta din si Pangulong Duterte sa Beijing China para sa one belt one road project ng Chinese Government at sa Hong Kong para bisitahin ang mga Overseas Filipino Workers.
DZXL558