Mga proyekto sa ilalim ng Build! Build! Build! Program ng Duterte administration, matatapos pa rin on time sa kabila ng banta ng COVID-19

Binigyang diin ni Department of Public Works & Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na makakaranas man ng konting pagka-antala ang accomplishment ng mga flagship projects ng Build! Build! Build! Program pero matatapos parin ang mga ito on time.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Villar na dahil nasimulan ang mga proyekto on time ngayong taon umaasa syang matatapos din ang mga ito “right on track”.

Kung ikukumpara, aniya, noong isang taon, ang pagsisimula ng ilang proyekto ay nagkaroon pa ng delay dahil sa pagkakaantala sa paglalabas ng pondo.


Pero ngayong taon, dahil nasimulan ng maaga ay malaki din ang tyansa na walang malaking epekto ang nararanasang krisis ng bansa dahil sa COVID-19.

Matatandaang una nang sinabi ni Sec. Villar na mararamdaman ang “full effect” ng Build, Build, Build program ngayong 2020.

Ilan sa mga nakapaloob sa nasabing programa ay pagpapaluwag sa EDSA, mga papalakihin at kukumpunihing mga kalsada, tulay, flood-control structures, school buildings, mga bagong paliparan at maraming iba pa.

Facebook Comments