Mga proyekto sa ilalim ng Duterte administration, ibibida sa pre-SONA campaign

Ibibida ng Kamara sa pre-State of the Nation Adress (SONA) campaign ang iba’t ibang proyekto sa mga distrito na naisakatuparan sa ilalim ng Duterte administration.

Ito ay gagawin sa pamamagitan ng mga serye ng video na pinamagatang “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo! (A Pre-SONA Tribute by the 18th Congress),” na layong i-highlight ang legislative accomplishment ng pamahalaan.

Binigyang diin ni House Speaker Lord Allan Velasco na bago pa man tumama ang COVID-19 pandemic ay marami nang programa at proyekto ang napagtibay ng gobyerno.


Sa mismong araw naman ng SONA sa July 26, ay isang multimedia exhibit ang itatayo sa North at South Wing lobbies sa Batasang Pambansa.

Magkakaroon din ng tableau ng iba’t ibang accomplishment ng pangulo sa rear entrance ng main building.

Facebook Comments