MGA PROYEKTO SA ROXAS AT CORDON, ISABELA, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY – Pinasinayaan ng DILG Region 2 ang mga proyektong pinondohan sa ilalaim ng Seal of Good Local Governance – Incentive Fund (SGLG-IF) at Local Governement Support Fund – Financial Assisstance to Local Government Units (LGSF-FALGU) sa bayan ng Roxas at Cordon, Isabela.

Nagkaroon ng ribbon-cutting para sa tatlong patrol vehicles na magagamit upang maghatid serbisyo at tulong sa mga mamamayan ng Roxas lalo na sa oras ng sakuna at kalamidad.

Samantala, dalawang road concreting project ang pinasinayaan sa Brgy. Caquilingan at Brgy. Anonang, Cordon, Isabela na makatutulong sa mas maayos na daan at transportasyon ng mga produktong pang-agrikultura sa nabanggit na mga barangay.


Dinaluhan naman ang aktibidad ng ilang kawani ng DILG Rehiyon Dos, opisyal ng LGU, opisyal ng barangay, at iba pang ahensya.

Facebook Comments