MGA PROYEKTONG INUMPISAHAN SA ILANG SITIO SA BAYAN NG SISON, ININSPEKSYON KUNG UMUUSAD NGA BA

Para masiguro kung umuusad nga ba at nasa ayos ang mga proyektong naumpisahan na sa bayan ng Sison, pinuntahan ng alkalde ng bayan at ng Chairman-SB Committee on Public Works and Infrastructure ang ilang sitio kung saan isinasagawa ang mga naturang proyekto upang inspeksyunin ito.
Isa sa proyekto nila ay ang pagpapatupad ng widening/concreting/rehabilitation ng local access road pati slope protection at drainage system sa Sitio Canit patungo sa Lower Sitio Lubas at Sitio Bangol sa Barangay Inmalog, pari rin ang daan sa may Gorgordion Elementary School sa Barangay Bila.
Ang pondong ginamit sa pagpapagawa sa mga proyektong ito ay mula sa lokal na pamahalaan ng Sison at asahan umano ng mga residente sa mga nasabing Sitio na kanila nang magagamit ang mga kalsadang isinasaayos bago matapos ang 2nd quarter ngayong taong 2023. |ifmnews

Facebook Comments