Hinikayat ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pamahalaan na isama sa Build, Build, Build program, ang mga proyektong may kinalaman sa pagpapalakas at pagpapabilis ng internet connection sa bansa.
Ayon kay Marcos, batay sa survey ng Philippine Distance Learning nitong Hunyo, lumabas na 67% ng mga magulang, 84% ng mga guro, at 71% ng mga mag-aaral ang nagsabing unstable mobile internet connection ang kanilang pangunahing problema.
Sa gitna ito ng pinatutupad na distance learning na maituturing na nakakabahala para sa mga Pilipino.
Dagdag pa ni Marcos, kasing kritikal ng internet ang mga kalsada at tulay sa inaasahang pagbangon ng ekonomiya ng bansa mula sa pandemyang COVID-19 kaya’t dapat lamang pagtuunan ng seryosong atensiyon ng pamahalaan.