
Pinatatag ang mga proyektong pampamahalaan sa Dagupan City sa pamamagitan ng mas maagang pagpapalabas ng Local Government Support Fund (LGSF) sa ilalim ng programang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” na inilunsad sa Malacañang Palace.
Ayon sa lokal na pamahalaan, malaking tulong ang agarang pagpapalabas ng pondo upang mas mapabilis ang implementasyon ng mga prayoridad na proyekto at mas mabilis na maihatid ang serbisyo sa mga komunidad.
Bahagi rin ng programa ang mas pinaigting na monitoring at accountability measures upang matiyak ang transparency at wastong paggamit ng pondo para sa kapakinabangan ng mamamayan.
Kabilang din sa inilunsad ang Financial Assistance to Local Government Units (FALGU) Rice Program sa pangunguna ng pambansang pamahalaan, kung saan makatatanggap ang mga kwalipikadong pamilya ng sampung kilo ng bigas bawat buwan sa loob ng anim na buwan kada taon.
Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng pinalakas na suporta mula sa national government, mas napapalapit ang mga programa at serbisyong kinakailangan ng bawat pamilyang Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










