MANILA – Sisimulan na ngayong Linggo ng pamahalaan ang paglalatag ng mga proyektong popondohan ng 1 trillion yen na halaga ng Official Development Assistance (ODA) at investments mula Japan.Ayon kay Finance Secretary Sonny Dominguez, pinag-aaralan na nila ang detalye ng ipinangakong ODA para maihilera na ang mga proyekto para ito ay maisumite sa JapanAniya, nakatakdang pumunta sa China sa susunod na Linggo ang isang team ng finance department para talakayin sa Chinese officials ang progreso ng mga isinumite nilang listahan ng mga proyektong popondohan din ng ODA mula China.Magugunitang Nobyembre pa noong nakaraang taon isinumite ng Pilipinas ang listahan ng mga proyekto.Kasabay nito ay ipinagmalaki ni Dominguez na sa unang pitong buwan ng Duterte administration ay nakuha ang pinakamalaking ODA ng bansa na aabot na sa 18 billion dollars.
Mga Proyektong Popondohan Ng Official Development Assistance Mula Sa Japan, Ilalatag Na Ngayong Linggo Ng Pamahalaan
Facebook Comments