
Inanunsyo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na sisiguraduhin ng ahensya na hindi makakalusot ang mga proyektong walang komprehensibong plano at inendorso.
Layunin nito na maiwasan ang sistemang palakasan sa pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastruktura.
Aniya, dapat lahat ng proyekto ay kailangan may plano at dapat ang mga ito ay inindorso ng mga development council.
Kabilang din dito ang pagsiguro ng ahensya na nakaplano ang bawat programa, nakabase ang bagong formula at sistema sa pangangailan ng lugar, at pagbibigay-prayoridad sa pagtapos ng mga kasalukuyang proyekto.
Bukod dito, sinabi pa ni Dizon na tatanggalin na ang “allocables” sa kanilang 2026 national budget.
Paliwanag niya, papalitan ito ng sistema na naaayon sa pangangailangan ng iba’t ibang lugar sa bansa.










