Pinasaringan ni Vice President Leni Robredo ang ilang public officials na nagsasabing walang krisis sa transportasyon sa Metro Manila.
Ito’y matapos manindigan si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na walang Mass Transportation Crisis sa bansa matapos kumasa sa ‘Commute Challenge’ nitong Biyernes.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Robredo, kailangang tanggapin nila na mayroong problema upang mahanapan agad ito ng solusyon.
Dapat alalahanin ang libu-lubong commuter na araw-araw nakikibaka sa biyahe.
Dagdag pa ni Robredo, hindi na kailangan ding ibalita kung siya ay nagko-commute dahil madalas naman siyang gumagamit ng pampublikong transportatsyon.
Samakatuwid, binibigyang diin ng Bise Presidente na mahalagang pagbutihin at dagdagan ang Mass Transport System.