Mga publiko at pribadong sementeryo, memorial parks, at kolumbaryo sa Pasig, muling bubukasan ngayon araw para sa mga residente nito

Muling bubukasan ngayong araw hanggang November 5 ang mga publiko at pribadong sementeryo, memorial parks, at kolumbaryo sa Pasig City matapos isara sa publiko ng limang araw.

Batay sa anunsyo ng Pasig City government, simula ngayong araw hanggang Biyernes, nakalaan lamang ito para sa mga residente ng Pasig.

Kaya naman muling paiiralin ang barangay coding.


Para sa araw na ito, pasok ang Barangay Bagong Ilog, Bambang, Kalawaan, Kapasigan, Manggahan, Palatiw, Sagad, Sto. Tomas, at Sumilang.

Kaya paalala ng pamahalaang lungsod na dalhin ang kanilang mga QR code bilang katibayan na residente sila ng nasabing mga barangay.

Bukas ang Pasig Catholic Cemetery, Pasig City Cemetery, Santolan Cemetery, Sta. Clara de Montefacia Columbarium, at Evergreen Cemetery mula alas-6:00 ngayong umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Inihayag muli ng Pasig City government na pwede namang magsama ng bata basta may kasama itong adult guardians o magulang at ipapatupad ang 30% capacity ng mga sementeryo upang masunod ang social distancing.

Samantala, simula naman November 6, maaari nang bumisita ang mga hindi taga-Pasig sa mga sementeryo, memorial park, at kolumbaryo sa lungsod.

Facebook Comments