Mga PUJ mula Awang at mga Tricycle mula SK , no entry parin sa Cotabato City

Hindi pa rin pinapahintulutan na makapasok sa Cotabato City ang mga bumabyaheng PUJ galing Awang maging mga Tricycle galing Sultan Kudarat.

Itoy sa kabila ng ipapatupad ng General Community Quarantine sa Cotabato City maging sa mga kalapit lalawigan na Maguindanao at North Cotabato simula sa May 1.

Tanging mga PUJ at Tricycle na may rota sa Cotabato City ang makakabyahe ayon pakay Cotabato City Mayor Atty. Cynthia Guiani Sayadi.


Pinagbabawalan pa rin ang mga payong-payong, habal-habal at mga trisikad.
Mariin ring ipapatupad ang social distancing sa mga pasahero at mahigpit na ipapatupad ang pagsusuot ng facemask.
Kinakailangan parin ang Quarantine Pass sa mga lalabas ng kanilang tahanan.

Facebook Comments