Mga pulis at komunistang terorista nagka-engkwentro sa Oriental Mindoro

286

Oriental Mindoro – Nagka-engkwentro ang tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Philippine National Police (PNP) at hindi mabilang na mga komunistang terorista sa Sitio Layang Layang, Barangay Malamig, Gloria, Oriental Mindoro kagabi.

Ayon kay PNP Mimaropa Spokesperson Superintendent Socrates Fataldo, alas 6:17 ng gabi kagabi ng mangyari ang sagupaan.

Bago ito nagsasagawa ng major operation ang mga pulis sa bisinidad ng PMI Construction sa Barangay Malamig Gloria Oriental Mindoro nang makasalubong ang communist terrorist at nagkabarilan.

Nagtagal ng 30 minuto ang sagupaan na ikinasawi ng isang pulis at pagkasugat ng isa pa.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO3 Edwin Encarnacion at ang sugatan na ngayon ay patuloy na ginagamot ay si PO3 John John Morente.

Hindi naman matukoy ng PNP kung may sugatan o nasawi sa nakalabang komunistang terorista.

Nagpapatuloy ang operasyon ng PNP laban sa grupo.

Facebook Comments