Mga pulis at mga bumibisitaa sa tanggapan ng AKG sa Camp Crame, obligadong magsuot ng face mask

Naka-suot na rin ngayon ng face masks ang mga pulis at mga bumibisita sa tanggapan ng Anti-Kidnapping Group sa Camp Crame.

Ito ay bilang pag-iingat na rin sa pinangangambahang pagkalat ng 2019 Novel Coronavirus.

Sa Anti-Kidnapping Group (AKG) headquarters kung saan maraming huling Chinese na sangkot sa kidnapping, maraming mga Chinese ang bumibisita sa kanilang mga nakakulong na kamag-anak.


Dahil dito, naghigpit na ang AKG sa pagtanggap ng mga bisita.

Pagpasok sa tanggapan, mayroong Thermal Scanner, titignan ang temperatura ng tao kung may lagnat ba ito o wala.

Maging mga pulis ay hindi rin lusot sa ipinatutupad na regulasyon.

Makikita din sa tanggapan ngayon ang mga alchohol at hand sanitizer para matiyak ang kalinisan sa kampo.

Samantala, kung dati pinapayagan ang 2 bisita, ngayon paisa isa na lang ang bisita na maaring bumisita sa AKG headquarters.

Facebook Comments