Mga pulis at NPA nagkasagupa sa Laguna, 2 rebelde patay

Nasawi ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 4A sa GC 500 896 Sitio Balatkahoy, Barangay San Antonio Kalayaan Laguna.

Batay sa ulat ng Laguna Police, ala-1:00 ng madaling araw kanina nang maka-engkwentro ng nasa 40 miyembro ng NPA ang grupo.

Nagpapatrolya sa Sitio Balatkahoy ang mga pulis may kaugnayan sa kanilang Oplan Dirty Dozen nang mamataan ang mga NPA, nagkaroon ng sagupaan na nagtagal ng isang oras na naging dahilan nang pagkamatay ng dalawang mga rebelde.


Narekober naman ng mga pulis ang ilang mga armas, pampasabog at iba pang mahahalagang gamit ng mga NPA.

Facebook Comments