MGA PULIS AT RESPONDER SA PANGASINAN, PINAIGTING ANG KAHANDAAN SA MGA ONLINE BOMB THREATS

Pinaigting ng mga pulis at responder sa Pangasinan ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa mga online bomb threats sa pamamagitan ng isang seminar na nakatuon sa cybercrime at digital threats.

Dumalo sa nasabing aktibidad na pinangunahan ng kapulisan ang mga kinatawan ng Pangasinan PDRRMO bilang bahagi ng pinalakas na koordinasyon ng iba’t ibang ahensya sa lalawigan.

Tinalakay sa seminar ang tamang paghawak, pag-uulat, at pagtugon sa mga insidente ng online bomb threats, kabilang ang mga hakbang sa pag-verify ng mga ulat at ang kahalagahan ng agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya.

Binigyang-diin din ang papel ng digital forensics sa pagtukoy sa pinagmumulan ng mga banta, gayundin ang wastong pagpreserba ng digital na ebidensya tulad ng user URL at user ID mula sa social media at email na mahalaga sa imbestigasyon.

Sa pamamagitan ng seminar, higit na pinagtibay ang koordinasyon, komunikasyon, at kahandaan ng mga ahensya laban sa lumalawak na banta sa digital environment. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments