Nakatakdang parangalan ngayong hapon sa Police Regional Office 2 ang mga pulis at sundalo na itinalaga at nagsilbi sa araw ng eleksyon.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni Regional Director Police Brigadier General Jose Mario Espino sa 98.5 RMN Cauayan kung saan nararapat lamang anya na mabigyan ng papuri at parangal ang kapulisan at kasundaluhan na nagsilbing tagabantay upang matapos na payapa ang 2019 midterm elections.
Bahagi rin anya ng gagawing seremonya na maiparating ang pasasalamat at mensahe ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa hanay ng AFP, PNP at COMELEC.
Dagdag dito, magkaroon din ng pulong sa mga pulis at sundalo upang mapag-usapan at mapag-aralan ang mga hindi kanais-nais na insidente gaya na lang ng pagsunog sa dalawang Vote Counting Machine (VCM) at mga balota sa bayan ng Jones upang hindi na maulit sa susunod na halalan.
Mensahe naman ni P/BGen Espino sa mga bagong halal na opisyal at sa mga hindi pinalad na magtulungan na lamang sa pagbibigay serbisyo at programa upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng lipunan.