Nanatiling nakaalerto ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kahit tapos na ang eleksyon.
Sa pag-iikot namataan ang mga sundalo at pulis na nakapwesto sa People Power Monument sa whiteplains at EDSA-Shrine sa Ortigas.
Ang mga sundalo, may mga inilatag na military tent at nagpwesto ng 6×6 truck sa parehong lugar.
Habang ang mga pulis naman ay may desk na itinayo.
Ayon sa aming mga nakausap na sundalo at pulis, bahagi ang kanilang deployment ng contingency plan.
Paghahanda na rin umano ito sa anumang posibilidad kasama na ang mga pagkilos.
Matatatandaan na kapwa sinabi ng PNP at AFP na kasama rin sa kanilang plano ang post-election.
Samantala, maliban sa People Power Monument at EDSA-Shrine, sinabi ng mga pulis at sundalo na may mga iba pang lugar sa Metro Manila ang pinwestuhan ng kanilang pwersa.