Mga pulis at sundalong ipapatawag sa pagdinig ng Senado, protektado nina Dela Rosa, Go – PRRD

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga police at military officials na magiging “ligtas” sila sakaling ipatawag sila sa mga pagdinig ng Senado.

Ayon sa Pangulo – walang dapat ipag-alala ang mga ito dahil may mga kaalyado siya sa upper chamber gaya nina Senators Bato Dela Rosa at Bong Go.

Hinimok din ng Pangulo ang mga pulisya at militar na umalis sa hearing kapag nakatanggap sila ng pambabastos mula sa mga mambabatas.


Hindi aniya dapat sila pinapahiya sa publiko.

Nagpaalala rin ang Pangulo sa mga senador na iwasan ang pag-iimbita sa mga tao sa pagdinig na tila ipinapalabas nang may ginawang kasalanan.

Facebook Comments