Mga pulis, bawal mag-leave mula Disyembre 15 hanggang Enero 10 sa susunod na taon

Kanselado ang lahat ng leave ng mga pulis mula December 15, 2022 hanggang January 10, 2023.

Ito ang inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PCol. Jean Fajardo kasunod na rin nang nalalapit na holiday season.

Ayon kay Fajardo, alinsunod na rin ito sa kautusan ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., upang masiguro ang maximum deployment ng mga pulis para sa seguridad ngayong Pasko.


Maging ang mga pulis na naka-assign sa administrative duty ay required sa pagsasagawa ng patrol duty para sa paigtingin ang police visibility.

Paliwanag nito, sa ganitong panahon kasi tumataas ang krimen lalo na ang pagnanakaw dahil sinasamantala ng mga kriminal ang pagsa-shopping ng mga tao habang nalalapit ang Pasko.

Facebook Comments