Mga pulis-Caloocan na sangkot sa pagpatay kay Kian delos Santos, naghain ng counter affidavit sa DOJ

Manila, Philippines – Nagsumite na ng counter affidavit sa Department of Justice ang apat na pulis ng Caloocan na sangkot sa pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Hiwalay na kontra salaysay ang isinumite ni Chief Inspector Amor Cerillo, habang joint counter affidavit naman ang isinumite ng kanyang mga tauhan na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Tolete Pereda at PO1 Jerwin Roque Cruz.

Iginiit ng mga pulis sa kanilang kontra salaysay na lehitimong police operation ang nangyari at anila ay nanlaban sa kanila si Kian.


Nanumpa naman sa kanilang salaysay ang iba pang mga kabataan na testigo sa pagpatay kay Kian.

Dumalo rin sa pagdinig ang mga magulang ni Kian na sina Saldy at Lorenza kasama si Public Attorney’s Office chief Persida Acosta.

Sa October 2 itinakda ang susunod na pagdinig sa kaso.

Facebook Comments