Manila, Philippines – Umarangkada na ang unang araw ng re-training ng buong pwersa ng Caloocan police.
Pinangunahan ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang nasabing re-training at sinabi nitong layunin ng muling pagsasanay sa mga pulis na sila ay mas maging maka-Diyos, mas makabayan, mas makabansa at mas makatao.
Ayon kay PNP Chief Dela Rosa, kaya nila gagawin ang re-training ay dahil mahal nila ang kanilang hanay at ayaw nilang may tuluyang mapariwara sa mga ito
Una nang sinabi ni Dela Rosa na sesentro sa values formation
o sa moral & spiritual reform ang pagsasanay sa 1,143 mga pulis Caloocan
Tatagal ang re-training sa mga pulis Caloocan ng isang bwan sa Camp Bagong Diwa, Taguig city
Pansamantala munang hahalili sa buong pwersa ng Caloocan police na sasailalim sa re-training ang mga pulis na galing sa Regional Public Safety Batallion ng NCRPO.