Mga pulis, dapat na maging huwaran sa pagsunod sa Motorcycle Helmet Law

Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang publiko na tumulong para matukoy ang mga pulis na lumalabag sa batas partikular ang batas-trapiko.

Ito ay matapos na ulanin ng sumbong ang PNP kaugnay sa mga pulis na gumagamit ng motorsiklo pero hindi naman nagsusuot ng helmet.

Ayon kay Eleazar, dapat tandaan ng mga pulis na sila ang taga-pagpatupad ng batas at hindi dapat lumalabag sa batas.


Sinabi pa ni PNP Chief na paano maibabalik ang tiwala at paggalang ng publiko kung patuloy na nagiging pasaway ang ilan sa kanilang hanay.

Babala ni Eleazar sa mga pulis na mahuhuling hindi susunod sa itinatakda ng Motorcycle Helmet Law na siya mismo ang kakastigo sa mga ito.

Kaugnay nito, umapela ang PNP Chief sa publiko na sa halip na sa sariling social media page i-post ang mga nakikitang paglabag ng mga pulis, mas maganda aniya kung sa mismong social media platforms ng PNP idiretso para agad na maaksyunan ng PNP.

Facebook Comments